Kapag ang basura ay pera, yayaman ang Pilipinas.
Bawal magnakaw ng basura ng may basura, o bawal kuhanin ang basura ng may basura. Ibig sabihin, kung ikaw ay isang bakal-bote boy, wala ka ng silbi; o kung ikaw ay nabubuhay dahil sa nakukuhang mga tira-tira sa basurahan, maghanap ka na ng ibang pagkakabuhayan. Dahil kapag ako ang namuno sa Pilipinas, ipagbabawal ko to.
Ang mga pwede lang kumuha ng basura ay yung mga licensed na basurero, na nakasakay sa licensed na garbage trucks, na hindi mukhang mga basta-bastang dump trucks. Maganda sana kung maipatupad ng talagang-talaga, as in talagang-talaga sa bawat sulok ng bansa, ang segragation scheme. At maganda sana kung maipatupad sa bansa ang bawal magkalat, as in talagang-talaga na bawal talaga kahit candy wrapper lang o kahit ang pagdura, para lalong mapanatili ang kalinisan at kaayusan. At maganda sana kung may mga fixed na lugar na kung saan matatagpuan ang mga basurahan. At ang mga licensed na basurero lang mismo ang pwedeng kumuha ng mga basura.
Ang mga magiging basurero ay magkakaron ng iba’t-ibang benefits tulad ng health benefit, life insurance, at kung anu-ano pa. Maaari ring mag-apply ang mga dukha bilang basurero, para sila ay makatulong sa ikabubuti ng bayan at para din magkaroon sila ng kabuhayan. Pero nararapat na magkakaroon sila ng “bonds” o kakailanganin nila magtrabaho sa loob ng ilang taon under service at hindi pwedeng umaklas; isang solusyon para makaiwas at makababawas sa mga squatter.
Ang mga basura, na dapat ay segregated na, ay dadalin sa isang facility na magrerecycle ng ibang basura na pwede pang magamit ulit. Hindi basta-basta itatambak nalang ang basura sa isang dump site. Sinegregate mo nga ang basura, pagsasama-samahin naman ito sa iisang dump site. Para san pa ang pag-segregate?
Sa facility na to, irerecycle ang mga pwede pang magamit ulit, tulad ng mga papel, bote, plastic at mga organic na basura. Ang mga papel ay pwedeng gawing recycled na papel at gamitin ulit sa paggawa ng mga notebook na maaaring gamitin sa mga eskwelahan. Ang mga organic na material naman ay pwedeng gamitin panggawa ng mga fertilizer. In short, imbis na itambak lang ang basura, ay gagawan ng paraan para magamit ulit ito as a resource.
No trackbacks yet.